Maiba naman tayo, kahapon sa isang lokal na diaryo nakakita na naman ako ng isang larawan ng pinakakamimithi ko ngayong pasko ang "IPHONE" (kung sino man ang nais magregalo sa akin? malugod ko itong tatanggapin) ahahaha. Nakakatuwa kasi ang nagiging reaksiyon ko tuwing makakakita ako ng larawan nito. Minsan nga sa isang mall dito sa Pilipinas kasama ko ang mga klasmeyt ko. Napadaan kami sa POWERMAC boutique, hindi ko napigilan ang aking sarili, sa madaling salita pumasok kami, andameng mga interesanteng bagay at gadgets na tiyak nanaiisin mong bilhin or much more papangaraping mapasaiyo. MACBOOK, MACBOOK AIR, IMAC, HEADSETS (scull candy brand in particular), ibat-ibang ipod at syempre ang IPHONE at ITOUCH. wheeewww halos limang beses ko nang hinihimas ang salamin ngunit sa huli sinabi ko lang ulit ang regular statement ko na "Babalikan kita dyan!". (ahaha).

May nakilala akong tao sa isang social networking site ng mga katulad kong bloggers, mabait siya at very formal looking, ika nga kagalang-galang. Sa ilang oras naming nagkwentuhan, napansin kong may sense of humor siya at makulit din. Naitanong ko sa kaniya ang presyo ng iphone doon (canada). At napansin kong mas mura nga ito, tulad na rin ng sinabi sa akin ng mga kaklase ko. (e anu kung mura? may pambili ka ba?). Dahil sa labis kong kakulitan, who would guess na nagparamdam siya sa akin na bibigyan niya ako, though he also confirmed its not a promise. My eyes widened and my mouth shows a big OMG! , Anyway its the thought that counts ika nga. hehehe... Well see if hell be my Santa this coming christmas. Inggit kayo no?
Advance Merry Xmas to all... Ho Ho Ho ( believe in Santa!)
RSS Feeds
File Under :





5 comments:
Hoy JP, sabi ko na nga ba, eh, OBSESSED na OBSESSED ka sa iphone na yan! Ayaw mo lang aminin pero buking ka naman, eh! Mamya bangungutin ka na sa kakaisip sa iphone na yan. LOL! Tapos, suko ka naman na naniniwala kay Santa. Alam mo, yung ho! ho! ho! mong yan maging hu! hu! hu! pag-hindi mo makuha iphone sa Christmas! O, sya, tahan na ang baby at kakayud pa si Santa para makuhanan ka ng iphone! Hahahaha....Keep the spirit up! Way to go, JP!
I still keep on wishin... hehehe... ok lang yun basta masaya tayo..
Ho Ho Ho...
Oy, ganda ng outlook ni JP sh!
sana matupad... maiiyak ako pag hindi natupad, pero its ok lng kung hindi.. ahahaha...
nung unang lumabas yung iphone, hindi ko siya gusto, too expensive, i don't want to waste money but when i saw a friend's LG cookie bigla kong ginusto ng touch screen phone, kahit ano na basta touch screen! hahaha.
Post a Comment